By Atty. Berteni “Toto” Cataluña Causing
Para maunawaan ng mga kapatid namin sa media, ito po ang ilan sa mga dahilan kung bakit KAILANGANG MAY BOSES SA KONGRESO ang MGA NAGMAMAHAL SA PAMAMAHAYAG.
UNA, hindi lahat ng kasapi namin sa ALAB NG MAMAMAHAYAG (ALAM) ay mga journalist.
Sa totoo lang, wala pang 5 porsiento ang journalists. Ang iba pa naming miyembro ay mga magsasaka, mga urban poor, mga ultimong trabahante o mga manggagawa, mga tribong B’Laan, Manobo at Higaunon, mga teacher, mga manininda, at iba pang sektor.
Kung bakit kami nagsasama, iyon ay dahil sa pinagtali kami ng aming taimtim na paniniwala:(1) na tanging TOTALLY-FREE PRESS lamang ang pamamaraan para maisigurado ang mas magandang takbo ng pamahalaan; at (2) JURY SYSTEM o Hukuman ng Mamamahayan na siya lamang sistema ng hukuman na makapagbigay ng totoongg katarungan para sa lahat, mayaman man o mahirap.
PANGALAWA, wala ni isa sa mga mambabatas natin, Kongresman o Senador, na sumusulong ng dalawang paniwalang iyon.
Kung di nila ginagawa, sino ngayon ang gagawa?
PANGATLO, ang karapatang PRESS FREEDOM, FREEDOM OF EXPRESSION at FREEDOM OF SPEECH ay iginawad ng Konstitusyon sa lahat ng Pilipino, kaya hindi lamang mga reporter, brodkaster o editor ang may karapatang PRESS FREEDOM, FREEDOM OF EXPRESSION at FREEDOM OF SPEECH.
Ngayon, ang mga kasapi naming mga sektor ay nagsusumidhi ang mga damdamin dahil sa lang dekada na hindi sila napapakainggan, hindi binibigyan ng pansin, hindi nagkakaroon ng pag-asa.
Sa pag-iipon ng aming lakas, ninanais nila na magkaroon ng mas aktibong partispasyon sa pagsasagawa ng batas, pagkokontra sa mga batas na sa tingin nila ay dagdag api sa mga aba, at pagpapaimbuyog ng kanilang mga damdamin na naway ang aming minimithi na DECRIMINALIZED LIBEL SOCIETY at JURY SYSTEM ay maisasabatas.
Ang dalawang paniniwala na ito ay aming alay sa mga Pilipino bago pa lamang kami papanaw sa mundong ibabaw.
Kailangang lumabas sa aming mga lungga at maghimagsik alang-alang sa pagbabagong tunay o dalisay.
Sana, maunawaan nyo na po, KUNG BAKIT DAPAT MABIGYAN NG ACCREDITATION ANG ALAB NG MAMAMAHAYAG.